Kahon

Kuwadrado.
Puti.
Simple.
Ganyan ang munting kahon ng aking kaibigan.
Pinatuyong bulaklak ng rosal,
unang liham mula sa minamahal.
Mga larawan, mga tula,
balat ng kendi’t baryang papel;
isang boteng maliit, lalagyan ng pabango noon—
ilan lamang sa mga kagamitang namumuhay sa loob ng kahon.
Ang kanyang paggiliw sa munsik na kayamanan
ay higit pa sa sariling buhay.
Hindi ipagpapalit sa anumang kagamitan;
wika pa nga’y, “Mawala nang lahat, ‘wag lamang iyan…”
Lumipas ang mga araw, kinailangang lumisan,
mangingibang-bayan at kaibiga’y iiwanan.
Taon ang binilang nang muling magtagpo,
datapwa sa isa nang nakapanlulumong yugto.
Ang aking kaibigan na minsang nakapaloob sa isang kahon,
kasama ng kanyang matatamis na alaala,
habambuhay, sa lupa’y ibabaon.

—JRJM © 2004

To my dear foreign readers,
this piece was written in memory of a friend
whom we lost from lupus at a very young age of 17.
If it helps, you can have it translated online
in order to somehow understand what I meant.

2 thoughts on “Kahon

HIT ME WITH YOUR BEST SHOT

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s